Sa ulat ni Aubre Carampel sa "Chika Minute" ng GMA news "24 Oras" nitong Martes, ipinakita rin ang bagong larawan na naka-post sa Instagram ng proud dad na si Richard ang panibagong picture ng kaniyang anak habang yakap ni Sarah.


Gayunman, nakatalikod sa naturang larawan si baby Zion kaya naman hindi pa rin makikita ang histura ng sanggol.
 
Nitong nakaraang Linggo, tanging kamay lang ni baby Zion ang ipinakita ni Sarah sa larawan na inilagay niya sa Instagram.
 
Ang iba pang larawan na ipinakita sa video ay ang selfie ni Sarah habang nagre-relax sa jacuzzi at kita-kitang ang kanyang baby bump.

Mayroon ding litrato na kasama niya si Richard habang nasa Europe.

Bago ang rebelasyon ni Richard na isa na siyang ama, nauna nang sinabi ng mga magulang niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama na matatag ang kanilang pamilya.

Ayon kay Annabelle, masaya siya na nananatiling buo at sama-sama ang kaniyang pamilya.


"Ang family namin hindi perfect pero masasabi ko lang 'pag may kaunting misunderstanding, at the end of the day, magkakaibigan naman lahat," pahayag naman ni Eddie.

Pero ngayong isa nang certified hot momma si Sarah, pumayag pa kaya si Richard sakaling sumabak ang ina ng kaniyang anak sa daring at sexy roles?
 
"You know, Sarah she's very wise. She makes wise decisions so whatever her decision is, I'll support it," ayon kay Richard.


Source : http://www.gmanetwork.com/news/story/364030/showbiz/chikaminute/baby-zion-gutierrez-bahagyang-ipinasilip-ni-richard-sa-bagong-post-na-picture
 
Top