
Matagal nang usap-usapan na kasal, may asawa, at may anak na ang Kapatid star na si Derek Ramsay. Diumano ay ikinasal na si Derek, 37, noong 2002, sa isang Filipino-Indian model na nagngangalang Mary Christine Jolly sa isang civil wedding sa Balagtas, Bulacan.

June 2003 naman nang ipinanganak diumano ni Mary Christine ang kanilang anak na lalaki. Pero mariing itinanggi ng actor-TV host ang mga usap-usapang ito. Sa isang panayam sa kanya noong 2011 sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Derek na ipinaubaya na niya ang usap-usapang ito sa kanyang abugado. Tungkol naman sa kanyang diumano’y anak, sinabi niyang marami raw siyang pamangkin na minsan ay nakakasama niya sa pamamasyal sa mall.
Source : http://www.pep.ph/peparazzi/photos/4462/five-photos-derek-ramsay-will-not-be-jolly-to-see/num/1